Lusot na sa House Committee on Appropriations ang panukalang budget ng Office of the President na nagkakahalag ng P10.65 billion.
Humarap si panel si Executive Secretary Lucas Bersamin at hiniling na suportahan ang panukalang pondo ng Office of the President.
Sa pahayag ni Bersamin kaniyang ibinida ang mga naging accomplishments at mga makabuluhang programa ng Office of the President sa pangunguna ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Kasalukuyang nasa Jakarta, Indonesia ang Chief Executive para dumalo sa 43rd ASEAN Summit and Related Summits.
Hiling naman ni Bersamin sa mga mambabatas na dagdagan pa ang kanilang pondo dahil mas marami pa ang matutulungan na mga kababayan natin.
Ito ay bukod pa sa mga ginagawang biyahe ng Pangulo sa ibat ibang bahagi ng bansa at maging sa abroad.
May mga isinasagawa ding rehabilitasyon ang Office of the President sa mga gusali sa loob ng Palasyo ng Malakanyang at maging ang Presidential mansion sa Baguio City.
Binigyang-diin ni Bersamin na ang kanilang inilatag na pondo ay naaayon sa itinakda ng Department of Budget and Management.
Sabi ni Bersamin na hindi sila humihingi ng special treatment sa mga mambabatas.
Hindi tumagal ng 30 minuto ang budget deliberation sa Office of the President na agad namang tinapos.
Ito’y sa kabila ng pag-alma ng mga makabayan lawmakers sa mosyon na tapusin ang deliberasyon.