-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 na provisioinal increase sa pamasahe sa mga pampasaherong jeepney.
Ang nasabing provisional increase ay magiging epektibo sa Oktubre 8.
Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na termporaryo lamang ang nasabing pisong dadag sa pamasahe.
Magiging epektibo ito hanggang maging normal ang presyo ng mga gasolina.
Sa kasalukuyan ay nasa P12 ang minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeepn.
Magkakaroon pa ng pagdinig ang LTFRB sa susunod na linggo para talakayin ang petisyon ng ilang transport group na P5 na taas pasahe na hiling ng mga PUJ.