-- Advertisements --

Inihain na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kaso laban sa mga suspek na nahulian ng mahgiit 1-bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawa nilang drug-buybust operation sa Cavite.

Ang mga suspek na sina Jorlan San Jose, Joan Lumanog at Joseph Maurin ay mga bodegero ng isang negosyanteng Chinese.

Tubong Mindanao ang mga naarestong suspek kung saan itinanggi nilang alam nila na may droga sa kanilang lugar.

Sinabi ni PDEA Intelligence Service chief Adrian Alvarino na ibabagsak sana sa Mindanao ang nakumpiskang droga na may timbang na 149 kilos.