Nagkasundo ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Commission on Higher Education (CHED) sa pagbibigay ng one-time college education subsidy para sa mga anak ng mga displaced o namatay na overseas Filipino workers (OFWs).
Sinabi ni Labor Sec. Silvestre Bello III, lumagda na sa isang memorandum of agreement (MOA) ang DOLE at CHED na naglalaan ng P1-billion scholarship fund na ipapamahagi sa susunod na taon.
Ayon kay Sec. Bello, mahigit 30,000 college students na dependents ng mga pinauwi, displaced at deceased OFWs ang makikinabang sa nasabing scholarship fund.
Ang education subsidy na tinawag na “Tabang OFW” ay magkakaloob ng one-time financial assistance na P30,000 sa mga beneficiaries bilang tulong sa kanilang educational expenses.
Sa ilalim ng kasunduan, maglalabas ang DOLE ng orders, circulars o guidelines para sa epektibong implementasyon ng programa.