Sinimulan ng Office of the Vice President (OVP) ang pamamahagi sa buong bansa ng isang milyong bag na naglalaman ng mga school supplies at dental kits gayundin ang pagtatanim ng isang milyong puno sa ilalim ng programang “pagbabago: a million learners and trees”.
Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang paglulunsad sa mandaue city sports complex sa Cebu.
Sabay-sabay ding idinaos ang pagtatanim ng puno at pamamahagi ng bag sa mga pangunahing lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon kay VP Sara Duterte, umaasa sila na sa anim na taon,ang kampanya ay makakapamahagi sa isang milyong bata at isang milyong mga magulang.
Una nang inihayag ni Duterte na katuwang ang Department of Education at ng Environment and Natural Resources, na bukod sa pagtataguyod ng edukasyon, kasama na sa kampanya ang dental hygiene kit at environmental care lessons sa pamamagitan ng tree planting.