-- Advertisements --

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na bahagyang bumaba ang transmission charges noong Mayo, ngunit tumaas ang gastos sa ancillary services na nagresulta sa pagtaas ng kabuuang singil sa kuryente ngayong Hunyo.

Bumaba kasi ng 0.27% ang transmission wheeling sa P0.4593/kWh nitong Mayo. Subalit, tumaas naman ng 9.29% ang singil sa ancillary services mula sa P0.5655/kWh.

Dahil dito, umakyat sa P1.1482/kWh ang kabuuang transmission-related charges sa buwan ng Mayo, mula P1.0978/kWh noong Abril.

Ang mga bagong singil ay makikita sa bill ng kuryente ng mga konsumer ngayong Hunyo, 2025.