Bahagyang naging emosyunal ang ilang senador at staff nang magpa-alam sa pagtatapos ng 17th Congress.

Ilan kasi sa kanila ang maninilbihan na para sa ibang pwesto, habang ang ilan ay hindi pinalad sa nakaraang halalan.

Kabilang sa mga nakakompleto na ng termino nina Sen. Antonio Trillanes IV at Sen. Gregorio Honasan, habang gobernador na ng Sorsogon si Sen. Chiz Escudero at kinatawan ng Antique si Sen. Loren Legarda.

Maghihintay naman ng isang taon si Sen. JV Ejercito bago maitalaga sa Duterte cabinet.

Samantala. babalik naman sa pribadong sektor si Sen. Bam Aquino, lalo’t doon din umano siya nanggaling.

Ipinagmalaki naman ni Aquino na aabot sa 379 bills ang kaniyang naipasa, kung saan 70 sa mga ito ang naging ganap na batas.