-- Advertisements --

Emosyunal ang ilang senador sa pagbaba sa puwesto ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Maging si Zubiri ay aminadong mabigat sa kaniyang kalooban ang mga development, ngunit hindi dapat na maapektuhan ang trabaho ng senado.

Kasabay nito, nanumpa naman si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pinakamataas na posisyon sa Senado.

Sumaksi naman sa panunumpa ni Escudero ang kaniyang may-bahay na si Heart Evangelista.

“Maraming salamat po muli sa tiwala at nakahanda po akong pagsilbihan kayo sa anumang makakaya natin habang sabay-sabay nating pinagsisilbihan ang bansa at ang sambayanang Pilipino,” wika ni Escudero.

Inihalal din sina Sen. Jinggoy Estrada bilang bagong Senate President Pro Tempore; Sen. Francis Tolentino bilang Senate Majority Floor Leader; at Sen. Alan Peter Cayetano bilang Chairman ng Committee on Accounts matapos mabakante ang naturang mga pwesto.

Nagsipagbitiw din kasi sina Sen. Sonny Angara, Sen. Nancy Binay at dating Majority Leader Joel Villanueva sa kanilang mga hawak na komite.