-- Advertisements --

Mas lumakas pa ang bagyong Opong habang ito ay nasa karagatang bahagi ng bansa.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nakit ang sentro ng bagyo sa may 595 kilometro ng silangn ng Surigao City, Surigao del Norte o 660 km ng Silangan ng Maasin City, Southern Leyte.

Mayroong taglay na lakas ng hangin na aabot sa 100 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 125 kph.

Nakataas naman ang tropical cyclone wind signal number 2 sa Northern Samar at San Policarpo, Oras, Jipapad, Arteche ng Eastern Samar.

Habang nakataas ang signal number 1 sa mga lugar ng Quezon kasama na ang Polillo Islands, Rizal, Laguna, the ;Cuenca, Taysan, Lobo, Talisay, Padre Garcia, Agoncillo, San Pascual, Santo Tomas, Bauan, San Jose, San Luis, Lipa City, Ibaan, City of Tanauan, Mabini, Mataasnakahoy, Alitagtag, Balete, Tingloy, San Juan, San Nicolas, Batangas City, Rosario, Santa Teresita, Taal, Malvar, Laurel sa Batangas; Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate kasama ang Ticao Island at Burias Island.

Kasama rin ang natitirang bahagi ng Eastern Samar, Biliran; , Barugo, San Miguel, Babatngon, Tacloban City, Calubian, Leyte, Capoocan, Carigara, Palo sa Northern Leyte.
Base sa datos ng PAGASA na maaring mag-landfall ang bagyong Ompong ng umaga ng Biyernes Setyembre 26 sa bahagi ng Bicol Region at tatawid ito ng Southern Tagalog.

Maaring aabot pa ito sa typhoon category bago tuluyang mag-landfall.