GENERAL SANTOS CITY – Tatlong anggulo ang tinitingnang sanhi sa pagkamatay ni P/M Kristian Ace Sularte, 35 binata na nadestino sa Regional Mobile Force Battalion Region 11na may sugat sa dibdib.

Nagbaril sa sarili, binaril at ang pangatlo naputukan ng kanyang baril .

Ang nasabing opisyal ang nakitang duguan sa luob ng kanyang kotse habang nakaparada sa harapan ng kanilang bahay sa Purok OsmeƱa, Poblacion, Bagumbayan Sultan Kudarat nagdaang araw.

Sinabi ni P/M Julius Malcontento, hepe ng Bagumbayan Municipal Police Station na kanilang nirespondihan ang tawag ng isang pagamutan matapos dinala sa lugar ang nasabing opisyal.

Dagdag ni Malcontento na pamilya ng biktima ang nagdala kay Sularte at sinabi na binaril ang binatang opisyal.

Matapos umanong nag-imbestiga sina Malcontento bahala na umano ang Scene of Crime Operatives o SOCO ang magpalabas ng resulta sa imbestigayon.

Nalaman na umuwi lamang ng kanilang lugar ang opisyal habang itoy naka schooling.