Kinumpirma ni Trade Sec. Ramon Lopez na epektibo sa Hulyo 16 ay itataas na ang operating capacity sa mga barbershop at salon.
Sinabi ni Sec. Lopez, ang mga nasa general community quarantine (GCQ) areas na kasalukuyang pinapayagan lamang ang 30 percent operating capacity ay gagawin nang 50 percent habang ang mga nasa modified general community quarantine (MGCQ) na kasalukyang nasa 50 percent ay gagawin nang 75 percent.
Ayon kay Sec. Lopez, maging sa mga restaurant ay ganito rin ang gagawin pero pagsapit naman ng Hulyo 21.
Inihayag ni Sec. Lopez na lumalabas sa kanilang monitoring at inspection sa 400 mga establisimiyento araw-araw na mataas naman ang compliance rate ng mga barbershop, salon at restaurant sa mga itinatakdang patakaran ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) at naitala sa 92 percent pataas.