-- Advertisements --

Mariing kinokontra ng National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) ang panukalang pagpapaliban ng barangay at Sangguniang Kabataan election sa Disyembre 1.

Ayon sa NAMFREL na dapat ay protektahan ng kongreso ang karapatan para bumoto.

Binigyan ng grupo ang kahalagahan ng barangay dahil ito ang pinakamaliit at ang pinakamalapit na gobyerno na lalapitan ng publiko.

Ang mga SK naman ay siyang naghuhubog sa mga kabataan sa kahalagahan ng paglilinkod.