-- Advertisements --

Ipinahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pansamantalang ititigil ang operasyon ng Coin Deposit Machines (CoDMs) sa piling mga mall sa Greater Manila Area simula Hunyo 17, 2025.

Ang suspensyon ay bahagi ng pagsusuri upang mapabuti ang muling pagpapalaganap ng mga barya at mas mahusay na matugunan ang pangangailangan ng publiko sa pagpapalit ng ganitong salapi.

Mula nang ilunsad noong Hunyo 2023, nakapagproseso na ang CoDMs ng halos P1.5 bilyong halaga ng barya.

Pansamantala, maaaring magdeposito ng maayos na barya sa mga bangko, habang ang mga walang bank account ay maaaring magpalit ng anumang uri ng barya sa mga currency exchange centers sa ilalim ng BSP Piso Caravan program.

Patuloy na isusulong ng BSP ang mas epektibong sirkulasyon ng barya bilang bahagi ng mandato nitong panatilihin ang maayos na sistema ng pagbabayad at pananalapi sa bansa.