Hinatulang guilty ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 si Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa at dating Rappler researcher-writer Reynaldo Santos sa cyber libel charges na ibinaba ngayong araw lamang.

Ito ang naging desisyon ni Judge Rainelda Estacio-Montesa kay Ressa at Santos.

Nag-ugat ang kaso sa artikulong isinulat ng Rappler noong 2012 at sinasabing muling inilathala online noong 2014 laban sa negosyanteng si Wilfredo Keng.

Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad ng P200,000 na moral damages at karagdagang P200,000 bilang exemplary damages.

Ang mga akusado ay mayroong sintensiya ng pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon.

Hindi naman agad makukulong si Ressa at Santos dahil puwede namang magpiyansa ang mga ito at puwede nilang iapela ang kaso sa Supreme Court (SC). 

Si Ressa at Santos ngayon ang kauna-unahang nahatulan sa walong taong gulang na Philippine Cybercrime Law.

received 3994969840574016
received 507920299925040