-- Advertisements --

Nakitaan ng malaking pagbaba ang mga naitatalang e-commerce fraud o panloloko sa pamamagitan ng online transactions.

Base sa pag-aaral ng global information at insight provider na Transunion.

Lumalabas dito na bumaba ng mahigit 33 percent ang bilang ng mga hinihinalang online retail fraud na nagmumula sa Pilipinas sa pagsisimula ng holiday ngayong 2020, kumpara sa kaparehong panahon noong 2019.

Ayon kay Transunion Philippines president Pia Arellano, malaking dahilan dito ang maagap na aksyon ng mga e-commerce providers at mga otoridad para mapigilan ang mga panloloko.

Sa kabila nito, pinapayo pa rin ng mga eksperto na manatiling nakaalerto laban sa mga manloloko na maaaring gamitin.

May mga pagkakataon kasing pati ang pandemya at kalamidad ay nagagamit ng mga kawatan para makapambiktima ng mga inosenteng mamamayan.