Sisimulan nang ipatupad sa Setyembre ng pamahalaan ang isang online portal kung saan idedeklara ng mga biyahero papasok ng Pilipinas ang kalagayan ng kanilang kalusugan sa harap ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paggamit ng OneHealthPass na ipapatupad naman ng Bureau of Quarantine at Department of Transportation.
Sa pamamagitan nang OneHealthPass, inaasahan na magiging convenient at seamless ang movement ng mga international travelers dahil sa streamlining ng mga documentary requirements ng mga dumarating na international passengers.
Ibig-sabihin, hindi na kinakailangan ng mga ito na sumagot sa napakaraming health forms sa kanilang pagdating sa paliparan at kapag sila ay dumating na rin sa local government na kanilang paparoonan.
Sinabi rin ni Roque na inaprubahan na ng IATF ang hiling naman ng Philippine Racing Commission para sa operation ng Off-Track Betting (OTB) stations sa Metro Manila.