-- Advertisements --

Binabalak na rin ngayon ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ang pagtatayo ng One Hospital Command sa Region 10 o Northern Mindanao kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 patients sa rehiyon.

Layunin ng One Hospital Command na matiyak ang epektibo at efficient na health facility referral para sa mga pasyente.

Sinabi ni NTF COVID-19 Chief Implementer Sec. Carlito Galvez Jr., pamumunuan ng NTF Regional Director at ng Northern Mindanao Medical Center ang nasabing One Hospital Command.

Ayon kay Sec. Galvez, ang pinakaimportante sa National Action Plan ay puwede tayong mag-angat para sa ekonomiya, puwedeng magbukas basta mapanatili ang zero deaths.

Magugunitang ang Iligan City ay inilagay sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang Setyembre 30 dahil sa pagtaas ng COVID-19 infection sa lungsod.

“Gagawa tayo ng One Hospital Command sa pamumuno ng ating Regional Director at ng Northern Mindanao Medical Center,” ani Sec. Galvez. “Ang pinakaimportante po sa ating National Action Plan ay puwede tayong mag-angat para sa ekonomiya, puwede tayong magbukas for as long as we maintain ‘yung zero deaths. Ang primary objective natin is makapag-save tayo ng lives at tsaka mababa ang death.”