Agad na humingi ng tawad ang International Olympics Committee matapos magkamali sa pagpapakilala sa mga atleta ng South Korea bilang North Korea sa opening ceremony sa Paris.
Habang excited at winawagayway ng SoKor team ang kanilang bandila sa may River Sein, kapwa ipinakilala ng French at English announcers ang mga ito bilang Democratic People’s Republic of Korea, ang official name ng North Korea.
Parehong pangalan ang ginamit din nang ipakilala ang delegasyon mula sa North Korea.
Kaugnay nito, sinabi ng South Korean Sports Ministry na plano nilang magsampa ng reklamo sa France sa government level kaugnay sa anila’y nakakahiyang insidente.
Sa isang statement, nag-demand naman si Second Vice Sports Minister Jang Mi-ran, ang 2008 Olympic weightlifting champion, ng isang pagpupulong kasama si Olympic Committee President Thomas Bach.
Ang South Korea o tinatawag ding Republic of Korea ay mayroong 143 atleta sa Olympics team nito ngayong taon na sasabak sa 21 sports competition.
Habang ang North Korea naman ay nagpadala ng 16 na atleta at ito ang unang pagkakataon na sasabak muli sa torneyo kung saan pinakahuli ay noong 2016 summer Olympics sa Rio de Janeiro.