Olympic Flame
-- Advertisements --

Nakarating na sa China ang Olympic flame na gagamitin para sa Beijing 2022 Winter Games.

Magiging kauna-unahang host kasi ang Beijing ng Summer at Winter Games kung saan matapos ang welcome ceremony ay kanilang idi-display sa publiko ang nasabing Olympic flame.

Nasa 2,900 na atleta mula sa 85 National Olympic Committee ang lalahok sa Winter Games na magsisimula sa Pebrero 4-20, 2022.

Unang sinindihan ito sa Athens, Greece nitong nakalipas na Lunes at ipinasa sa organizers ng Beijing Games.