-- Advertisements --
image 481

Ibinabala ng isang health expert na isang malaking banta sa kalusugan ng publiko ang tumagas na langis sa may karagatan ng Oriental Mindoro dahil sa lumubog na oil tanker na MT Princess Empress.

Kaugnay nito, nagpahayag ang Health Reform Advocate na si Dr. Anthony “Tony” Leachon para sa pangangailangan na mabilis na matugunan ang oil spill sa Oriental Mindoro na muling iginiit na ito ay maaaring magdulot ng sakit sa mga residenteng nakatira malapit sa mga lugar na apektado ng oil spill.

Ilan aniya sa mga sakit na maaaring makuha ay chronic lung disease at cancer.

Hinaing din ng eksperto ang mahinang pagtugon ng gobyerno upang malitas ang sitwasyon dahil tatlong linggio na ang nakakalipas mula ng napaulat ang paglubog ng naturang oil tanker.

Dadag pa ni Dr Leachon na mayroong 122 residente na ang napaulat na may sakit sa Oriental Mindoro dahil sa oil spill at inaasahang madaragdagan pa ito araw-araw.

Bilang tugon, pinayuhan ang mga local government units (LGUs) ng mga apektadong lugar na lumikha ng “registry” o dokumentasyon ng masamang epekto na nararanasan ng mga residente.

Matatandaang, lumubog ang MT Princess Empress oil tanker noong Feb. 28 na may bitbit ng hindi bababa sa 800,000 litro ng industrial fuel oil ayon sa Philippine Coast Guard.

Ang pinakahuling datos mula sa gobyerno ay nagpakita na 149,503 katao o 32,269 pamilya sa tatlong lalawigan sa bansa ang naapektuhan ng tumagas na langis.