Labis ang kasiyahan ni Ogie Alcasisd matapos na ito ay mag-negatibo sa coronavirus.

Sa kaniyang social media account, ikinuwento niya ang naging kadahilanan ng hindi pagiging aktibo sa social media.

Ogie FB post

Sinabi nito na sa unang rapid test sa kaniya ay nagpositibo ito.

Subalit pagkatapos nito ay nagpatest siya at lumabas na negatibo.

Para matiyak at magkaroon aniya ng “tie breaker” ay nagpasya ito ng sumailalim sa PCR swab test nitong Lunes at pagkatapos ng apat na araw ay lumabas ang resulta at ito nagnegatibo.

Dagdag pa niya na siya ay asymptomatic.