Ogie Alcasid
Ogie Alcasid/ IG post

Labis pa rin ang kasiyahan ni Ogie Alcasid matapos na tanghalin itong best actor sa 35th PMPC Star Awards for Movies.

Sinabi ng singer na hindi niya lubos akalain na siya ang mapipili sa nasabing award.

Naging matindi kasi ang kaniyang katunggali sa katauhan ng beteranong actor na si Eddie Garcia at Daniel Padilla.

Nauna rito nakuha ng singer/actor ang best actor award sa pelikulang Kuya Wes sa 35th PMPC Star Awards na ginanap sa Resorts World Manila nitong Hunyo 2.