CEBU CITY – Pinayuhan ng Philippine Embassy ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Thailand na mag-ingat matapos ang naganap na mass shooting sa Nakhon Ratchasima.
Sa ulat ni Bombo international correspondent AJ Orillosa, sinabi nito na nagbabala ang embahada sa kanila na kung maaari ay iwasang magpagabi sa labas.
Ito’y matapos na magpalabas ng advisory ang Philippine Embassy patungkol sa naturang insidente kung saan umabot sa 29 ang death toll.
Ayon kay Orillosa, 12 years na ring English teacher at tubong Talisay City, Cebu, na kung maaari ay magpasama sa kapwa Pilipino kung may lakad sa labas.
Dagdag pa nito na hindi dapat sila magpakampante kahit na bumalik na sa normal ang kalagayan sa naturang bansa.
Sinabi rin ng Orillosa na unti-unti nang naka-move on ang iba pang mga Pilipino matapos ang madugong shooting incident sa Terminal 21 Mall kung saan napatay ng mga otoridad ang suspek na si Jakrapanth Thomma, isang military rank officer.