-- Advertisements --
DFA2

Pinawi ng Department of Foreign Affairs (DFA) Ang pangamba ng kaanak ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa bansa ng mga nag-positibo ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) saibayong dagat.

Ayon sa DFA, lumalabas sa kanilang monitoring na mas maraming mga Pinoy na tinamaan ng virus na gumagaling na sa sakit.

Bukod dito, bumababa na anila ang bilang ng mga Pinoy na namatay abroad dahil sa COVID-19.

Inulat din ng DFA na bumababa na ang bilang ng mga Pinoy na na-infect ng nasabing virus sa iba’t ibang bansa.

Tinukoy ng DFA ang Asya na wala nang naitalang Pinoy na positibo sa covid sa nakalipas na dalawang araw.

Una nang tumaas ang bilang ng mga Pinoy na nagkasakit sa US, Europe at Middle East.