DFA PICS
DFA Image

Pumalo na sa 2,331 ang bilang ng mga Filipino na nasa ibang bansa ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) may siyam na bagong kaso ang naitala nila.

Sa nasabing bilang ay mayroong 15 bagong pasyente ang gumaling na nagdala sa 789 na mga gumaling mula ng madapuan ng coronavirus.

Nananatiling 269 naman ang kabuuang bilang ng nasawing OFW mula sa ibang bansa.

Umaabot naman sa 1,273 ang mga pasyente na nasa pagamutan.