Binalaan ng ang OCTA Research group ang publiko hinggil sa pagkain sa labas gaya ng sa mga restaurant at pagdalo sa mga social gatherings sa harap ng pagsipa ng mga kaso ng mas nakakahawang Delta variant ng coronavirus.
Ginawa ito nina professor Ranjit Rye at Dr. Guido David ngayong mayroon nang naitalang 119 Delta variant cases sa bansa.
Sinabi ni Rye na dapat iwasan muna sa ngayon ang pagkain sa labas ng bahay dahil malaki ang posibilidad na kapitan ng virus ang isang tao lalo na kung hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.
Sinegundahan ito ni Rye sa pagsasabi na mas mainam pa ring umiwas na lamang habang limitado pa ang supply ng bakuna.
Sa ngayon, 17.5 million doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 6.3 million Pilipino na ang fully vaccinated.