Itinakda na ng Supreme Court (SC) sa Mayo 2 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena ang panunumpa ng mga bagong abogado.
Sa abiso ng Office of the Bar Confidant, gaganapin ang oath taking sa isasagawa dakong ala1:00 ng hapon.
Limitado lang ang seremonya sa mga manunumpa, mahistrado ng SC, examiners, law school deans, ilang opisyal ng SC at organizers.
Ang mga panauhin ng inductees ay maaaring panoorin ang oath taking sa SMX Convention Center kung saan ipapalabas ang live feed ng seremonya.
May live broadcast din ng panunumpa sa official Youtube channel ng SC Public Information Office.
Kinakailangan naman na magprisinta ng negatibong RT PCR test ang unvaccinated attendees habang vaccination card ang dapat na lang iprisinta.
Ngayong taon, nasa 8,241 ang pumasa sa nakalipas na Bar Examinations nitong Pebrero
Ito ayon kay Justice Marvic Leonen, mula ito sa 11,402 na kumuha ng Bar na kumakatawan sa 72.28 percent.
Sila aniya ay nakakuha ng 75 percent o higit pa na iskor sa naturang pagsusulit
761 ang nakakuha ng grado na 85 hanggang 90 percent o katumbas ng 9.23 percent ng Bar examinees
May 14 naman ang nakakuha ng mahigit percent na grado na kumakatawan sa 0.17 percent na kumuha sa nagdaang Bar Exams.