-- Advertisements --

Pinutol na rin ng Denver Nuggets ang pitong sunod-sunod na panalo ng defending champion na Los Angeles Lakers matapos na masilat, 122-105.

Bumida sa ika-15 nilang panalo si Nikola Jokic na nagtala rin ng kanyang ika-anim na triple-double performance ngayong season.

Gamit ang 23 points, 16 rebounds at 10 assists, sinamantala ng Nuggets ang pagkawala ng Lakers big man na si Anthony Davis sa huling bahagi ng first half.

DENVER NIKOLA JOKIC
Nikola Jokic

Noong una, dikitan pa ang laban pero nang umalis si Davis sa court na iika-ika, nagbago na ang timplada ng laro ng Lakers (21-7).

Una rito, nagtangkang mag-drive si Davis kay Jokic, may mahigit dalawang minuto ang nalalabi sa first half pero binangga ito.

Nagtapos si Davis ng 15 points.

Aminado naman si LeBron James, na halos meron ding triple double performance, naawa sila sa tinamong injury ni Davis na malaking kawalan sa kanilang diskarte.

Nagtapos si James na may 22 points, 10 rebounds at nine assists.

Ilang analysts ang nakatuon din sa laro nina LeBron at Jokic na kabilang sa ilang players na usap-usapan na mabibilang sa mag-aagawan sa NBA.

Bukas sasailalim sa MRI si Davis na bago pa man ang game kanina ay dumaranas na raw ito ng right Achilles tendinosis.

Liban kay Jokic bumandera rin si Jamal Murray na may 25 points para sa ikatlong sunod na panalo Denver.

Ang next game ng Lakers ay laban sa Minnesota sa darating na Miyerkules
Samantala ang Nuggets sisimulan nila ang apat na games sa Boston sa natura ring araw.