-- Advertisements --
Nagsama ng puwersa sina Michael Porter Jr. at Nikola Jokic na may tig-30 points upang tulungan ang Denver Nuggets na matuldukan ang dalawang magkasunod na talo.
Dahil dito, nagawa ring malusutan ng team ang host na Charlotte Hornets 117-112.
Sa ngayon hawak na ng Denver ang 45-24 record upang patibayin ang hawak sa top-three seed sa Western Conference.
Ang Hornets (33-36) naman ay naghahabol pa rin sa play-in round sa Eastern Conference.
















