-- Advertisements --

Bumawi ang Denver Nuggets upang itabla ang serye sa Portland Trail Blazers sa first round ng NBA playoffs, 128-109.

Sa pagkakataong ito, hindi na pumayag ang Nuggets at ang kanilang center superstar na si Nikola Jokic nang magpakawala ng 38 points, eight rebounds at five assists.

Ito ay sa kabila na ng matinding opensa na pinakawala ni Damian Lillard na may 42 points at siyam na mga three point shots.

Ang walong 3-pointers ni Lillard sa first half at naitala rin bilang NBA playoff record.

Tinangka namang iharang ng Denver ang kanilang 6-foot-9 na si Aaron Gordon upang guwardiyahan ang 6-2 guard na si Lillard para mag-slow down sa second half.

Para naman kay Lillard sa magaganap na Game 3 sa Portland sa Biyernes ay alma na niya ang gagawin upang makaiwas sa mala-pader na depensa ni Gordon.