Inihayag ng Nationalist People’s Coalition (NPC) nitong Lunes na tila sinasadya ni dating Ako Bicol Party-List Representative Zaldy Co na ilarawan ang sarili bilang biktima sa maanumalyang flood control scandal sa pamamagitan ng kanyang “unsworn, unnotarized, unauthenticated” na inilabas na video online, na ayon sa partido, “walang legal na bisa bilang pormal na testamento.”
Ayon sa NPC, ang naturang drama ng tono ng video ni Co ay tila nagpapahiwatig na baguhin ang opinyon ng publiko at ilayo ang pananagutan ng dating kongresista bilang mastermind ng House Committee on Appropriations noong 2024, na may pananagutan sa mga pagbabago sa House-side sa 2025 budget process.
Binanggit pa ng partido na ang ganitong taktika ay maaaring makaligtaan ang seryosong isyu ng anomalous insertions at alleged ghost projects na kasalukuyang iniimbestigahan ng maataas na kapulungan ng Kongreso.
Pinayuhan din ng NPC ang publiko na maging maingat sa mga inilalabas na drama ng mga online content at iginiit ang paggamit ng ebidensya, sworn statements, at legal na proseso sa paglutas ng korapsyon.
















