CAGAYAN DE ORO CITY – Tumugna ayon sa militar na mayroong nasawi at maaring marami pa ang sugatan sa panig ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na kanilang nakasagupa ng ilang minuto sa Barangay Samay,Gingoog City,Misamis Oriental.
Ito ay matapos tuluyang narekober ang bangkay ng isang lalaki na NPA habang nagsagawa ng pursuit operations ang 58th IB,Philippine Army kasama ang special units ng Police Regional Office 10 sa Barangay Binakalan ng lalawigan.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni 4th Infantry Division,Philippine Army spokesperson Maj Jhun Cordero na ang pagka-rekober ng bangkay ay hindi kalayuan sa unang lugar na pinag-engkuwentruhan ng kanilang tropa noong nakaraang araw.
Inihayag ni Cordero na maaring ang napatay na si Oliver Hulliao alyas Reynan na taga- Sitio Lantad,Barangay Kibanban,Balingasag,Misamis Oriental na mula sa Platoon Guide of Platoon Cherry Mobile ng Guerilla Front Huawei ng Sub-Regional Commmittee 1 ang may-ari ng isang M-16 rifle na kabilang sa narekober ng tropa sa loob ng encounter site.
Una nang itini-turnover ng militar ang napatay na rebelde sa kinauukulang barangay upang makuha ng pamilya at mabigyan ng maayos naman na libing.
Magugunitang sa unang bahagi ng engkuwentro ay nasugatan rin ang dalawang sundalo at agad inilipad patungo sa station hospital ng Camp Evangelista na nakabase ang headquarters ng 4th ID sa Cagayan de Oro City.
Maliban sa M-16 na narekober,nabawi rin ng militar ang magazines ng AK-47 at M-16 rifles;communication gadgets,mga bala ng 40mm,klase-klaseng mga gamot at mga dokumenton ukol sa operasyon ng mga rebelde.