-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nai-turnover na ng militar sa pamilya ang bangkay ng isang amasona o babaeng miyembro ng Guerilla Front Committee 68 ng CPP-NPA na napatay ng maganap ang engkuwentro sa loob nang nakubkob ng kota nila sa Barangay Dilingayon, Valencia City, Bukidnon.

Ito ay matapos napasok ng 1st Special Forces Batallion ang pinagpondohan ng nasa 50 solid members ng CPP-NPA kaya humantong sa ilang minuto na engkuwentro ang dalawag panig sa lugar.

Kinilala ni 403rd IB commander Brig Gen Ferdinand Barandon ang namatay na rebelde na si Jeraline Cabasag alyas Marco,nasa legal na edad at nakatira sa bayan ng San Fernando,Bukidnon.

Inihayag ni Barandon na narekober nila ang bitbit na M-14 rifle ni Cabasag habang tumambad rin sa tropa ang naiwan na ilang improvised explosive devices,assorted magazines ng long firearms, food supply, medisina, personal belongings at subersibong mga dokumento ng kilusan.

Bagamat wala naman umanong kahit isang sundalo ang sugatan sa nabanggit na engkuwentro.