ZAMBOANGA CITY – Arestado ang isa pang miyembro ng criminal group ng magkasanib na puwersa ng kapulisan sa operasyon sa loob ng gymnasium sa Barangay Poblacion sa bayan ng Lapuyan sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Kinilala ng Police Regional Office (PRO-9) ang naaresto na si Benhar Abdusalam Attan na nagdadala rin ng mga alyas Jaylene, Helen at Rajak, 44.

Ang suspek ay nahaharap sa mga kasong kidnapping with serious illegal several detention with ransom na inilabas ng korte sa Zamboanga City.

Nabatid na nasa number 12 siya sa listahan ng tinaguriang Abdusalam criminal group na nag-o-operate sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Ang Abdusalam group ay nangunguna sa mga insidente ng kidnapping, pagpatay, extortion at iba pang mga krimen.

Inaasahang dadalhin sa Zamboanga City ang nahuling suspek para i-turn over sa korte.

Matatandaan na isa ring kasapi ng teroristang Abu Sayyaf ang naaresto kaninang madaling araw sa may Barangay Cawit sa Zamboanga City na kinilalang si Faizal Jaafar.

Si Jaafar ay nahaharap sa 87 counts ng mga kosng kidnapping dahil sa pagkakasangkot nito sa Sipadan kidnapping noong taong 2001 sa isla ng Sabah.