-- Advertisements --
Patay ang isang katao at isa ang sugatan matapos ang insidente ng harassment sa pagitan ng dalawang tagasuporta ng magkalabang partido diyan sa Dinas, Zamboanga del Sur kaninang umaga ayon sa Police Regional Office 9 (PRO9).
Ayon kay Police Major Shella Chang ng PRO9 public information office, agad dinala sa ospital ang mga biktima ngunit isa ang binawian ng buhay.
Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang 19 na basyo ng bala ng 5.56mm at pitong basyo ng bala ng .45 caliber.
Samantala isinagawa na ang hot pursuit operation para mahuli ang naturang suspek.