estomo

Patay ang isang notorious na Abu Sayyaf member na sub-leader ng Abdussalam Criminal Group matapos makipag barilan sa mga operating units ng PNP Anti-Kidnapping group kaninang madaling araw sa Zamboanga City.

Sa ulat ni PNP-AKG Director PBGen. Jonnel Estomo kay PNP Chief PGen. Debold Sinas, kinilala ang suspek na si Samad Awang Ahmad Jamal y Mara, na No. 25 Most Wanted Person ng Police Regional Office (PRO) 9.

estomoakg

Isinilbi ng mga tauhan ng PNP AKG sa pamumuno ni PLtCol. Clarence Gomeyac ang warrant of arrest kay Jamal para sa kasong kidnapping for ransom at serious illegal detention sa Sitio Sohaya, Brgy Mampang, Zamboanga City kaninang 12:30 ng hatinggabi.

estomoakg2

Pumalag ang suspek at pinaputukan ng kalibre .45 ang mga operatiba na nag resulta sa palitan ng putok na ikinasawi ng suspek.

Ang grupo ng suspek ay responsable sa serye ng kidnap for ransom incidents sa bisinidad ng Zamboanga City kabilang ang Joel Endino kidnapping case noong Enero 29, 2011 sa Ipil, Sibugay, Zamboanga City, Gean Carlo Bossi kidnapping noong 2007 at Kathy Casipong kidnapping noong 2013.