Tinambakang ng NorthPort ang Alaska Aces 103-81 sa patuloy na PBA Commissioner’s Cup.

Pinangunahan ni Sean
Anthony ang panalo na nagtala ng 22 points habang mayroong 19 points si Robert Bolick.

Hindi na hinayaan pa ng Batang Pier na makalamang ang Aces kung saan umabot pa sa 24 points ang kanilang kalamangan.

Ayon kay NorthPort coach Pido Jarencio, na isang malaking hamon sa kanila ang laban dahil sa kawalan ng kanilang manlalaro na si Stanley Pringle.