-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang northeastern part ng Japan ngayong araw ng Huwebes subalit walang inilabas na tsunami alert.

Base sa Japan Meteorological Agency, ang episentro ng lindol ay sa Fukushima region na may lalim na 40 kilometers na naramdaman din sa Tokyo.

Sa ngayon, wala pang napaulat na pinsala sa mga struktura o mga nasugatan matapos ang tumamang lindol.

Ang pagyanig sa Japan ay isang araw matapos ang tumamang napakalakas na magnitude 7.4 na lindol sa karatig nito na Taiwan na kumitil na sa 9 na katao at ikinasugat ng mahigit 1000 ng katao habang dose-sodenang gusali naman ang nasira.

Ang Japan nga ang isa sa most techtonically active countries sa buong mundo kung saan ang mga gusali sa bansang ito ay may matatag na mga pundasyon na may kapasidad na makayanan ang pagtama ng malalakas na lindol.