-- Advertisements --
Muling nagpakawala ang North Korea ng ballistic missiles sa karagatan ng east coast.
Kinumpirma ito ng South Korea military pero hindi na sila nagbigay pa ng anumang detalye.
Ito na ang pinakahuling serye ng weapons test ng North Korea kabilang ang pagpapakawala nila ng ilang cruise missiles noong nakaraang Miyerkules.
Magugunitang nilinaw ng North Korea na layon ng kanilang missile test ay bilang paghahanda sa anumang nuclear attacks.