-- Advertisements --

Nagpahayag naman ng matinding pagkabahala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lumalalang sitwasyon ngayon sa Straight of Hormuz.

Sa pagdinig ng LEAD Committee, inihayag ni DFA Undersecretary Maria Andrelita Austria dahil sa lumalalang sitwasyon sa Strait of Hormuz. 

Ayon kay Austria, nasa 5,600 na Pilipinong mandaragat ang kasalukuyang stranded sa nasabing rehiyon sakay ng 477 na mga barko. 

Sinabi ni Austria, bumagsak ang bilang ng mga barkong dumadaan sa nasabing ruta mula sa 3,000 kada buwan tungo sa wala pang 200 bago ang inanunsyong truce.

Iniulat naman ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na mahigit 21,000 na serbisyo na ang naibigay ng gobyerno sa mga apektadong OFW. 

Sa kasalukuyan ay 3,736 na Pilipino na ang nakauwi sa bansa sa tulong ng gobyerno habang mahigit 5,000 seafarers sa Persian Gulf ang patuloy na binabantayan. 

Ayon kay Cacdac ay nakatuon na ang susunod na yugto ng kanilang operasyon sa reintegration o muling pagtanggap sa mga umuwing manggagawa sa pamamagitan ng livelihood at employment