-- Advertisements --

Muling nag-paabot ng tulong tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng 11-taong-gulang na batang babae na sumulat kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang ilahad ang umano’y pang-aabuso at harassment na naranasan niya at ng iba pang mga bata mula sa isang barangay official sa kanilang komunidad.

Ayon sa pahayag ng ahensya noong Lunes, agad na inaksyunan ni DSWD Sec. Rex Gatchalian ang hiling ng bata, alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr.

Sinabi ni DSWD Assistant Sec. Irene Dumlao, na nagsagawa na ang DSWD Field Office 5 – Bicol Region ng on-site assessment sa Redeemer Homeless Mission, isang shelter na nagsisilbing pansamantalang tirahan ng mga pamilyang naapektuhan ng kahirapan at kalamidad.

Limang pamilya sa nanturang non-profit mission ang tumanggap narin ng P10,000 bawat isa bilang cash relief assistance, kabilang na ang pamilya ng batang sumulat.

Nagbigay rin ang DSWD ng psychosocial first aid (PFA) sa tatlong iba pang bata na naninirahan sa mission. Ayon kay Dumlao, lumitaw sa assessment ang kakulangan sa access sa basic services, matatag na kabuhayan, at protection mechanisms upang matiyak ang kaligtasan at maayos na pag-unlad ng mga bata.

Ipinangako ng DSWD ang home visits ngayong linggo para sa natitirang mga bata at kanilang pamilya. Hihilingan din nila ang tulong ng Bicol Regional Hospital and Medical Center upang magpadala ng lisensyadong psychologist para sa karagdagang psychosocial support services. Dalawang pamilya na hindi pa nakatatanggap ng tulong ay bibigyan ng cash relief ngayong linggo.