Muling nagpalipad ng dalawang ballistic missiles ang North Korea.
Ayon kay Japanese Defense Minister Yasukazu Hamada, na ang isa sa mga missile ay bumagsak sa labas ng kanilang exclusive economic zone.
Ang unang missile aniya ay umabot ng may taas ng 50 kilometer at layo ng hanggang 550 km.
Habang ang pangalawang missile naman ay may taas ng 50 kilometer at lumipad ng hanggang 600 km. ang layo.
Ang nasabing insidente ay naganap isang linggo matapos ang magsagawa ang North Korea ng testing ng kanilang Hwasong-18 intercontinental ballistic missile.
Dahil dito ay naghain na ang Japan ng diplomatic protest laban sa North Korea.
Nitong nakaraang araw din ay bumisita sa South Korea ang US nuclear-armed ballistic missile submarine na ito ang unang pagkakataon mula noong 1980.