-- Advertisements --
Kasalukuyang kinukumpirma ng South Korean government ang mga naglabasang report tungkol sa tunay na kalagayan ni North Korean leader Kim Jong Un.
Batay kasi sa isang hindi kilalang U.S official na may direktang kaalaman tungkol dito ay malubha umano ang kalagayan ni Kim matapos nitong sumailalim sa cardiovascular surgery ngayong buwan.
Naging kapansin-pansin din ang hindi nito pagdalo sa selebrasyon ng kaarawan ng kaniyang lolo na si Kim Il Sung noong Abril 15.
Sumailalim si Kim sa surgery noong April 12 sa isang ospital sa Mt. Kumgang resort county at nagpapagaling sa kaniyang bahay.
Humina ang resistensya ng naturang diminutive dictator nitong mga nagdaang buwan sanhi ng kaniyang paninigarilyo, katabaan at sobrang pagtatrabaho.
















