-- Advertisements --

Ipinag-utos ni North Korean leader Kim Jong Un ang pagpaparami pa ng nuclear armament ng kanilang navy vessels.

Ginawa ni Kim ang direktiba matapos niyang saksihan ang unang araw ng two-day weapons test ng bagong destroyer ng North Korea na Choe Hyon.

Base sa report mula sa state-run media, dumating na aniya ang oras para gumawa ng responsableng opsyon para mapataas pa ang nuclear armament ng kanilang navy para depensahan ang estado at maritime sovereignty nito mula sa mga banta sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Nauna ng iniulat ng state media noong Sabado ang paglulunsad ng bagong destroyer kung saan dinaluhan ito ng North Korean leader kasama ang kaniyang anak na babae na si Ju Ae na ikinokonsidera ng maaraming eksperto na posibleng maging successor niya.

Hango naman ang pangalan ng naturang barkong pandigma sa yumaong North Korean anti-Japanese fighter at may bigat itong 5,000 tonelada na inabot ng mahigit isang taon para maipatayo.