-- Advertisements --
Naitala ng NLEX Road Warriors ang ikatlong sunod na panalo ng tambakan nila ang San Miguel Beermen 124-90 sa nagpapatuloy na 2020 PBA Philippine Cup na ginaganap sa Angeles City, Pampanga.
Pinangunahan ni Mike Miranda ang NLEX na nagtala ng 22 points para maitala ang apat na panalo at limang talo.
Nag-ambag naman ng 19 points si Kevin Alas habang mayroong tig 14 points sina Kiefer Ravena at JR Quinahan.
Umabot pa sa 38 points ang naging kalamangan ng NLEX.
Ibinahagi ni NLEX coach Yeng Guiao ang naging sekreto nila kung saan malaki aniya ang naging pagbabago ng kaniyang koponan mula sa training camp.
Bagamat talo ay pasok naman sa playoffs ang Beermen na mayroong limang panalo at apat na talo.