-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpaliwanag ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hinggil sa nangyaring power blackout sa Panay at Guimaras kasunod ng pag-trip-off ng substation sa Sta. Barbara, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Michelle Visera, regional corporate communications and public affairs officer ng NGCP sa Western Visayas, sinabi nito na nawalan ng electric supply ang Antique, Guimaras, Iloilo Province at Iloilo City.

Ayon kay Visera, tinamaan ng kidlat ang lines 1 at 2 ng Sta. Barbara substation alas-9:45 ng Huwebes ng gabi, Hulyo 9, kung saan malakas ang ulan at makaraan ang mahigit sa isang oras ay unti-unting naibalik ang electric supply sa Iloilo City, Iloilo Province at Guimaras ngunit natagalan naman sa Antique.

Matagal bago naibalik ang electric supply dahil major line ang tinamaan ng kidlat at sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang assessment.