-- Advertisements --

Hawak na ngayon ng Rain or Shine Elasto Painters unang puwesto sa PBA 50th Philippine Cup.

Ito ay matapos na talunin nila ang Phoenix 91-80 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Nagtala ng 22 points, tatlong rebounds at tatlong assists si Gian Mamuyac habang mayroong 20 points si Anton Asistio.

Mayroon ng limang panalo at isang talo ang Painters matapos ang apat na sunod na panalo habang ang Phoenix ay mayroong isang panalo at limang talo.

Nasayang naman ang nagawang 17 points at pitong rebounds ni Jason Perkins para sa Fuel Masters.