Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga casualties matapos ang pananalasa ng Hurricane Ida kung saan nag-iwan ito ng malawakang pagbaha sa New York City at New Jersey.
Umakyat na sa anim ang namatay kabilang ang dalawang electrical workers sa Alabama habang inaayos ang nasirang power grid dahil sa sama ng panahon.
Apat naman ang namatay matapos ma-trap sa mga basements ng apartment sa New York City.
Nauna nang nagdeklara ng state of emergency ang New York City at New Jersey dahil sa kalamidad kung saan nag-iwan ito ng malawakang pagbaha.
Karamihan sa mga city subway lines ay sinuspendi dahil sa nangyaring pagbaha.
Ayon kay New York Mayor Bill de Blasio, ngayon lang nila naranasan sa buong kasaysayan sa kanilang lugar ang sobrang lakas ng ulan, brutal na pagbaha at mapanganib na mga kondisyon sa kanilang mga kalsada.
Kanselado na rin ang biyahe ng mga passenger rail service sa northeastern United States.