-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nakalatag na ang mga aktibidad at plano ng newly-crowned Miss Philippines Earth Air na si Patrixia Sherly Santos upang isabuhay ang mga adbokasiya nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi sa beauty queen na tubong Daraga, Albay, makikipag-ugnayan aniya siya sa mga local government units hinggil sa environmental awareness lalo na ang planong pagpapababa ng carbon footprint.

Layon nito na makatulong sa pag-improve ng sitwasyon sa climate change.

Ayon kay Santos, makakatuwang nito ang national at local leaders para sa pagsasabuhay ng environmental policies upang ang kasalukuyang “new normal” dahil sa pandemya ay maging “better normal.”

Ngunit kahit sadyang naghirap ang buhay ng mga Pilipino dahil sa coronavirus pandemic, naniniwala ang Miss Philippines Earth-Air na nangyari rin ito dahil na rin sa pang-aabuso ng mga tao sa kalikasan.

Mahalaga aniya ang paghikayat sa backyard gardening, transition sa sustainable transportation, at pagpapalakas ng environmental education.

Samantala, natutunan umano ni Santos sa kaniyang journey sa pageant ang kahalagahan ng pagiging tunay na lider ng isang kandidata.