-- Advertisements --

Nagpasya si Brooklyn Nets forward Wilson Chandler na hindi muna maglaro kapag bumalik na ang mga laro sa NBA sa Orlando, Florida.

Sinabi nito na una niyang inaalala ang kalagayan ng pamilya nito.

Bagamat mabigat sa kalooban nito na hindi makasama ang team mates ay mas inaalala pa rin nito ang kahalagahan ng kalusugan ng bawat isa.

Pinasalamatan din nito ang koponan dahil pinayagan siya sa kaniyang desisyon.

Magugunitang ilang NBA players na rin ang nagdesisyon na hindi muna maglaro gaya nina Trevor Ariiza ng Portland Trail Blzers, Davis Bertans ng Washington Wizards, Avery Bradley ng Los Angeles Lakers at Willy Cauley-Stein ng Dallas Mavericks.

Magsisimula na kasi sa Hulyo 7 ang training camps ng NBA teams bago ang pagsisimula ng laro sa Hulyo 30.